Kim Kardashian West, may panibagong kaso!

Kim Kardashian West, may panibagong kaso!

July 20, 2018 @ 4:49 PM 5 years ago


 

Hollywood – Kinasuhan ang aktres at negosyanteng si Kim Kardashian West dahil sa paggaya umano ng logo ng ‘vibes media’ sa kanyang bagong labas na produkto ng KKW fragrance na Kimoji perfumes.

Ang Vibes Media ay kilalang marketing company na nakabase sa Chicago. Nais nitong mahinto ang pag-market ng nasabing produkto at tuluyan itong hindi maipagbili sa publiko.

Kasalukuyang nahaharap ang reality-tv-actress sa kasong trademark logo infridgement.

Matatandaan na noong April, nakasuhan din ang aktres sa kaparehong kaso ng panggagaya sa disenyo ng kilalang pabango ng Jean Paul Gaultier.

Limang minuto pa lamang nang ilabas ang bagong set ng mga pabangong Kimoji peach, Kimoji cherry at Kimoji vibes ay nakabenta na ito ng mahigit sa limang milyong dolyar, ayon sa ulat. (Remate News Team)