Kim, nabastusan kay Xian!

Kim, nabastusan kay Xian!

October 4, 2022 @ 9:25 AM 2 months ago


Manila, Philippines- Para kay Xian Lim ay walang malisya ang ginawa niyang pagtuturo sa nobya.

But Kim Chiu found it gross.

Ang eksena kasi sa kanilang vlog, may tanong kung sino sa kanilang dalawa ang tsismoso/tsismosa.

Itinuro ni Xian si Kim pero nakaharang ang kanyang palad sa ipinanturong daliri.

Ani Kim, sa kanila raw mga Bisaya ay bastos ang ibig sabihin niyon.

Obyus na hindi aware si Xian na pagtatalik ang ibig ipakahulugan ng isang daliri sa palad ng kabilang kamay.

Naaliw naman ang mga netizens kay Kim, dahil hindi lang daw bastos ‘yon tingnan sa mga kapatid nating Bisaya kundi sa sinuman regardless of geographic origin.

Dumepensa naman ang ilang netizens sa clueless na si Xian.

Hindi raw kasi inaasahan nito na magiging “violent” ang reaction ng girlfriend, eh, sa totoo naman daw na  Marites ang Chinita Princess.

Teka, is there some other way of pointing to a person without using one’s finger and palm na hindi bastos ang dating? Ronnie Carrasco III