Kim, nagmarunong sa Bible!

Kim, nagmarunong sa Bible!

September 21, 2021 @ 4:28 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – May isang pagkakamali o nagkaroon ng blooper si Kim Chiu sa nakaraang grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime. Nangyari ito noong Sabado, September 18.

Nagkamali si Kim sa isang Bible verse na nabanggit (Psalm 3:16) habang nakikipag-banter kay Vice Ganda at sa isang contestant na nagngangalang Psalm Manalo.

Sa banter nina Vice at Kim ay makikitang na-curious ang dalawa sa pangalan ni Psalm.

Ani Kim dito, “Ang ganda ng pangalan niya, Ma, ano? Psalm. Parang mga gospel iyan sa Bible.”

Ganti ni Vice, “Psalmo, Psalmo, o Psalm sa Filipino Bible.”

Patuloy naman ni Kim, “Psalm 3:16 For God so love the world, He gave up His only son, ‘di ba?”

Na sinagot lang ni Vice ng, “Yes.”

Marami ang pumuna kay Kim dahil hindi sa Psalm mababasa ang tawag sa Gospel at Bible verse na Psalm 3:16 na kanyang nabanggit, kundi John 3:16.

Ang kabuuan ng John 3:16 sa King James version ng Bible ay: “For God so love the world, that He gave His only begotten Son, that whosoever believeth in Him should not perish, but have everlasting life.”

Wala rin namang Psalm 3:16 dahil eight verses lang ang meron sa Chapter 3 ng book of Psalms.

Agad itong napansin ng netizens sa Twitter at itinama ang komento ni Kim dahil maling Bible verse ang nasabi niya.

Ni-repost ang clip na ito ni Kim ng ilang TikTok accounts:

Isang fan ang ni-retweet ni Kim kung saan humingi siya ng pasensiya sa kanyang naging pagkakamali.

Sabi ng fan, “John 3:16 kasi ‘yon kim [Rolling on the floor laughing emoji] luv pa rin kita @prinsesachinita #TNT5AngHulingTapatan”

Sagot ni Kim dito, “Thank you hehe [heart emoji] sensya po.” Ador Saluta


  •  
  •  
  •