Kim, namigay ng food packs; Xian, may sweet message sa jowa!

Kim, namigay ng food packs; Xian, may sweet message sa jowa!

April 22, 2022 @ 4:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nag-absent sa “It’s Showtime” si Kim Chiu dahil naging abala siya sa inorganisang charity event.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-32 taong kaarawan.

Sa kanyang Instagram, ipinakita niya ang kanyang paghahanda ng food packs na kanyang ipamamahagi sa kanyang chosen beneficiaries.

Marami namang netizens ang pumuri sa pagkakawanggawa at pagshe-share ng blessings ng chinita actress.

Meanwhile, hindi naman nagpahuli sa paghahatid ng greetings at good vibes ang kanyang boyfie na si Xian Lim sa sweet birthday message nito.

Caption niya sa kanyang IG account: “To my person that makes my heart beat faster and slower at the same time. To my person that genuinely thinks of others before herself. To my person that loves unconditionally and is naturally born with a kind heart. To my person, to my always, happiest birthday! Millions of people love you. I love you and I’m crazy about you. Enjoy your day love. Breathe, slow down, cherish the moment.”

Tulad ng inaasahan, maraming kinilig na kibitzers sa naging mensahe ni Xian sa kanyang labs.

Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

“Sana all. Sana sa simbahan na ang tuloy.”

“Wow! Crazy in love. Ibang level na ito.”

“Next na ang announcement ng engagement!”

“Dapat lang na magmadali na. Wala na siya sa kalendaryo.” Archie Liao