Kim, nilaglag si Xian sa putukan!

Kim, nilaglag si Xian sa putukan!

September 20, 2022 @ 3:28 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sa grand mediacon ng Viva Film’s Always na showing this coming September 26 in theaters nationwide ay natanong ni yours truly ang dalawang bida na mag-sweetheart in real life na sina Kim Chiu at Xian Lim, kung always together ba sila since isang dekada na silang mag-sweetheart?

“Are you always together spending time with one another?”

Unang sumagot si Kim.

“Ay, yes po. We’re always together puwera lang po pag umuuwi sa kani-kanilang bahay or may mga trabaho kaming ginagawa at pag hindi kami magkasama. Ako, he is always in my mind and in my heart.”
Agree naman si Xian sa sinagot ng kanyang syota. Most of the time daw ay talagang they are always together.

Another tanong. Do you believe that time spent together creates memories?

“Naku, madami…madami po yun…lalo na pag nagtra-travel po kami together. Tapos yung conflict po namin na hindi siya naniniwala sa New Year. Pero pinipilit ko po siya at ngayon naniniwala na siya na mag-celebrate ng Bagong Taon. Naiingayan siya sa mga paputok …maingay, ganun.

“Hindi siya sanay sa ganung klaseng ingay pero ngayon slowly, tanggap na niya. Na ganu’n talaga pag New Year, may paputok, may luses at talagang may mga nag-iingay to celebrate the New Year with family.”

Sagot naman ni Xian ay, “Introvert person po kasi ako, eh. At natataranta po ako pag may mga putukan especially nu’ng 2 years old ako kaya nagkukulong na lang po ako sa kuwarto pero now of course pag mahal ko ang isang tao, gagawin ko ang lahat para sumaya siya. Kaya maski nagpuputukan na pag tinawag niya ako, lumalapit agad ako.”

Kailan naman nila balak magpakasal or may balak na silang magpakasal this year?

“Kayo po ang unang unang makakaalam Tita Mercy pag balak na naming magpakasal ni Kim. Tatawagan ko po kayo.”

Ang OPM nitong si Xian kay yours truly na harinawa totoo. Mercy Lejarde