KimJe, aminadong sex ang sikreto sa mahabang pagsasama!

KimJe, aminadong sex ang sikreto sa mahabang pagsasama!

January 9, 2023 @ 3:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nagsama na naman sa isang pelikula ang real-life partner na sina Jerald Napoles at Kim Molina via Girlfriend Na Pwede Na under Viva Films.

FYI ay matagal na rin ang real-life relationship ng KimJe since 8 years na silang magkapartner.

Sa dinami-rami ng magkarelasyon sa showbiz na hindi nagtatagal at mabilis na nagkakahiwalay dahil sa intriga, ano ang sikreto ng KimJe?

“Amazing sex ang secret,” pagprisinta ni Kim.

“Sex is great and amazong but of course, may iba pang factors like we are very honest with each other.

“Isa pa close ako sa pamilya niya and close din si Je sa pamilya ko,” say pa ni Kim.

May pahabol din si Jerald dahil sinabi niya na madalas mag-macho dancing sa harap ni Kim.

“Pang-spice ng relationship namin ‘yun and big night ang tawag namin kapag nagma-macho dancing ako sa harap niya,” sabi ni Jerald.

Sa tagal ng kanilang pagsasama, believe it or not pero hindi pa sila nagkaka-baby.

“Wine-weigh in namin ang decision ng pagkakaroon ng baby pero kung ibibigay ni God ngayon, ready na naman kami pero mas ready kami kung after na lang ng Zsazsa Saturnnah,” sabi pa niya.

Ang Zsazsa Saturnnah ay isang stage musical na kino-consoder na pagbabalik niya sa stage bilang nagsimula talaga siya at na-discover sa stage via Rock of All Aegis.

May tatlo naman silang aso na inaalagaan lalo’t wala pa silang baby.

Anyway, ang pelikulang Girlfriend Na Pwede Na ay ipalalabas na sa January 18, 2023, directed by Benedict Mique. Kasama rin sa movie si Gab Lagman.

Ang Girlfriend Na Pwede Na ang unang salvo ng Viva Films ngayong bagong taon, isang romantic-comedy movie na feel-good ang datingan. JP Ignacio