KimJe, kinabog ang malalaking artista, hindi binigo ng supporters!

KimJe, kinabog ang malalaking artista, hindi binigo ng supporters!

January 17, 2023 @ 3:16 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Pinatunayan ng KimJe tandem nina Kim Molina at Jerald Napoles na solid ang kanilang reel and real-life tandem sa umaapaw na attendance sa premiere night ng kanilang upcoming movie na Girlfriend na Pwede na.

Pagkatapos kasi pag-usapan ang matumal na box office attendance ng ilang mga pelikula sa MMFF 2022 ay dinumog naman ang premiere night ng nasabing movie sa SM Megamall dahil punong-puno ang almost 500 na capacity ng sinehan.

Kinabog nga ng KimJe ang ilang mabibigat na A-listers na hindi magawang mapuno ang sinehan

Donned with a sexy sequenced black dress na sobrang ikli na halos kita na ang pisngi ng kanyang puwitan, very proud si Kim dahil pinatunayan na naman ng kanilang tandem ni Jerald ang kanilang bankability sa gitna ng nagmamahalang sibuyas at pademya ng COVID-19.

“Maraming salamat sa mga supporters at sa mga solid KimJe and sana nga, magtuloy-tuloy ang magandang attendance ng moviegoers hanggang sa showing ng movie sa January 18 (2023),” sabi ni Kim.

Ang pelikula ay dinirehe ni Benedict Mique. JP Ignacio