KimXi fans, apektado sa tambalang Xian at Ashley!

KimXi fans, apektado sa tambalang Xian at Ashley!

March 11, 2023 @ 10:34 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Pinag-uusapan ngayon sa social media ang diumano’y closeness ng actor na si Xian Lim sa baguhang star na si Ashley Ortega. Si Xian ay kasalukuyang boyfriend ng It’s Showtime host na si Kim Chiu.

Binabatikos ng madlang pipol si Xian dahil sa diumano’y panloloko ng actor kay Kim.

Isa sa nagpaabot ng mensahe sa aktor ay si Coach Ronan: “Coach ka na rin pala ng panloloko ngayon. Paano mo naatim na lokohin si Kim? Paano mo nagawang patagong makipagkita kay Ashley Ortega na yan at lokohin si Kim? Wag sana kumita ‘yang show niyo, mga manloloko.”

Sa isang panayam naman kay Ashley ay pinabulaanan nito na inagaw niya si Xian kay Kim at aniya, ang namamagitan sa kanila ng aktor ay friendhip lang.

“Kami ni Xian, we’re just friends. Siyempre, nakakatanggap din ako ng mga ganyang ano, almost every single day, pero dedma na lang ako. Si Xian din naman, he’s aware of it,”sabi ni Ashley na bida sa TV series na “Hearts on Ice”.

Ayon naman kay Xian, bahagi raw ng paghahanda sa kanilang teleserye ang pagti-training ng skating.

“We were skating on a public time in a public skating rink. So ‘yun sigurong mga emote-emote namin, nakikita ng public, eh, siyempre nagtataka sila kung bakit kaya nag-i-emote ‘yung dalawa dito. So I think that’s where it came from,” sabi ni Xian. Ador Saluta