KING CHARLES III

KING CHARLES III

September 20, 2022 @ 12:13 PM 2 weeks ago


SA pagpanaw ni Queen Elizabeth II noong Setyembre 8, 2022, kaagad itinanghal ng Accession Council ang panganay ng Reyna na si Prince Charles bilang King Charles III ng United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.

Naganap ang proklamasyon sa Friary Court Balcony sa St. Jame’s Palace na inanunsyo ng Clerk of the Privy Council na si Richard Tilbrook at winika ang “King, head of the Commonwealth, defender of the faith, God save the King.”
Nasa proklamasyon ang anim na dating British Prime Ministers Sir Tony Blair, Gordon Brown, David Cameron, Sir John Major, Theresa May, at ang nag resign na si Boris Johnson na pinaltan ni Prime Minister Liz Truss.
Itinanghal ni King Charles III ang kanyang asawang si Camilla na Queen Consort, itinanghal din ang panganay na anak si Prince William at asawang si Princess Catherine bilang kanilang kahalili ni Camilla sa Prince and Princess of Wales na nadadag sa katungkulang Duke and Duchess of Cornwall & Cambridge.
Samantala, ipinaabot ni King Charles III ang pagmamahal sa bunsong anak na si  Harry at asawang si Mhegan na hinubad ang pagiging Prince at Princess at ang katungkulang Duke and Duchess of Sussex na nagpasyang bumukod at namuhay sa USA.
Si King Charles III ay Head of State rin ng mga bansang Commonwealth Realms na Antigua & Barbuda, Australia, The Bahamas, Belize, Canada, Grenada, Jamaica, New Zealand, Papua New Guinea, Saint Kitts & Nevis, Saint Lucia, Saint Vincent & The Grenadines, Solomon Islands, Tuvalu at UK.
Samantala ang UK naman ay binubuo ng apat ding bansa na England, Scotland, Wales at Northern Ireland.
Ang pagbabagong magaganap ay aalisin na ang mukha ng reyna at ipapalit ang bagong mukha ng hari sa stamps, coins, money, notes, passports at national hymn mula sa dating God Save The Queen tungo sa God Save The King.
Samantala, isinagawa ang State Funeral March kay Queen Elizabeth noong Lunes, Setyembre 19, 2022.