Kinig muna sa kandidato bago pay-out sa TUPAD workers sa Quezon inalmahan

Kinig muna sa kandidato bago pay-out sa TUPAD workers sa Quezon inalmahan

April 17, 2022 @ 2:23 PM 2 months ago


No description available.

Quezon – Tila hindi nagustuhan ng mga benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Displaced Workers (TUPAD) program sa probinsya ang naging istilo ng pagpapatupad ng nasabing programa.

Reklamo ng ilang mga residente na hindi naman napangatawanan ang sinasabing tulong para sa “displaced workers” dahil palakasan umano ang naging kwalipikasyon para makuha rito.

Ayon pa sa ulat, sa halip na isagawa sa mga bayan-bayan na pay-out sa mga TUPAD worker, pinagtipon-tipon ang mga ito sa Quezon Convention Center sa Lucena City at inoobliga umanong makinig sa mga pagsasalita at pagtatalumpati ng lahat na mga kandidato sa ilalim umano ni Governor Danilo Suarez bago isagawa ang actual na pay-out.

Sa katunayan, nitong Miyerkules Santo lang nang daluhan ng mahigit 4,000 TUPAD ang nasabing pagtitipon kung saan mayroong higanteng screen sa venue.

“Bakit naman kailangan muna kaming makinig sa mga talumpati at pangangampanya ng mga kandidato bago maibigay sa amin ang aming mga sahod na amin namang pinagtrabahuhan”, hinaing ng isang TUPAD worker. RNT