Kissing at hugging, bawal kay Yasmien Kurdi at sa asawa!

Kissing at hugging, bawal kay Yasmien Kurdi at sa asawa!

September 15, 2020 @ 8:05 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pagkatapos ng isang linggong walang uwian, hindi akalain ng Kapuso aktres na si Yasmien Kurdi na may nakalaang sorpresa para sa kanya ang asawa at anak.

Halos isang linggo kasing naka-lock-in si Yasmien para sa taping ng bagong mini-series ng GMA7, ang ‘I Can See You: The Promise.’

Ang location ng lock-in shoot ay ginawa sa Laguna.

Say ni Yasmien, feeling balikbayan daw siya nang umuwi sa kanilang tahanan dahil may pa-bouquet pa raw na inihanda ang kanyang mag-ama.

“Grabe naman, may pa-surprise pa sina Pangga at Ayesha Zara sa aking pagbalik sa bahay from my lock-in taping. May pa-bouquet pa.

“Sobrang sweet naman.

“Nilinis pa talaga nila ‘yung room kung saan ako magse-self-quarantine for a few days,” say pa ni Yas.

‘Yun nga lang, kahit sabik na sabik na si Yasmien na mayakap at mahalikan ang kanyang pamilya ay no kissing and hugging ang drama nila nang magkita.

Isa kasi sa mga requirement under new normal condition ay kailangang mag-self quarantine muna si Yasmien for several days bago siya magkaroon ng physical contact sa pamilya.

For the meantime ay sa pamamagitan ng videocall nakakausap at nakikita ni Yasmien ang mister at anak. Wally Peralta


  •  
  •  
  •  

Loading...