Kissing scene ni hunk actor sa kapartner, pinagseselosan ng real life jowa!

Kissing scene ni hunk actor sa kapartner, pinagseselosan ng real life jowa!

October 17, 2021 @ 8:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Totoo kaya itong nakarating sa amin na madalas diumanong inaaway ng isang young actress (YA) ang boyfriend niyang hunk actor (HA)? Selos daw ang dahilan. Pinagseselosan daw kasi ni YA ang kapareha ni HA sa bago nitong serye mula sa isang malaking network.

Nalaman daw kasi ni YA na may intimate scenes ang boyfriend sa kanyang kapareha. ‘Yun daw ang pinag-ugatan ng selos nito.

At dahil laging inaaway, kapag nagri-report daw sa taping ng kanilang serye si HA ay lagi raw itong malungkot at laging nag-iisa lang.

Tinanong daw ng isang production staff ang julalay ng HA kung bakit ito laging malungkot. Siyempre, ang mga julalay ay madadaldal. Kaya sinabi nito ang dahilan. Madalas daw kasing inaaway ang HA ng YA dahil pinagseselosan ang kapareha nito.

Nagulat ang productioj staff sa narig. Sabi nito sa julalay, pagsabihan daw ang HA na huwag dadalhin sa set ang problema nila ng YA.

Sino si YA na selosa? Mahusay siyang umarte at laging nagbibida sa mga teleserye. Rommel Placente