Kit Thompson, nakabalik na sa showbiz!

Kit Thompson, nakabalik na sa showbiz!

September 2, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nakabalik nga si Kit Thompson sa paggawa ng pelikula pagkatapos niyang ma-involve sa bugbugan isyu kasama ang kanyang ex na si Ana Jalandoni.

Ang akala ni Kit ay katapusan na ng kanyang career dahil sa kontrobersya. Gusto na nga niyang mag-quit sa showbiz.

Buti na lang, nagtiwala sa kanya 3:16 Media Network ni mam Len Carrillo at pinagkatiwalaan siya sa isang project.

“Thankful ako na may mga tao pa rin na, you know, dahilan pa rin kung paano ako magtrabaho, na nakasama ako at nakita ako kung paano ako katrabaho. Nakaka-touch. Nakakatuwa.

“Kasi akala ko… mahirap kasi, ang hirap lang. When you think, everything is turning…I don’t know. Di ko maintindihan ang sarili ko.

“Iyon nga, doon nga, na may mga tao pa ring naniniwala sa iyo. It inspires me to be better, to better for myself and to carry on. Thank you. Thank you so much. I’m grateful and thankful that I’m back,” sabi niya.

Ipinagdasal din niya ang kanyang pagbabalik sa showbiz.

“Actually, pinagdasal ko nga ito a week ago. Napapaisip ako. Na sabi ko just give me something, to do something and I thank the Lord na hindi niya ako pinabayaan,” emosyonal niyang pahayag.

Flattered din siya na siya ang pinili at only choice ng bagong unit head ng Viva Films para gumanap ng importanteng papel sa pelikulang ‘Showroom’ na ididirehe ng award-winning director na si Carlo Obispo, mula sa iskrip ni Quinn Carrillo.

Aniya, magandang comeback vehicle raw sa kanya ang nasabing pelikula na tatalakay sa prostitusyon sa daigdig ng real estate broking.

Sa ‘Showroom’, ginagampanan niya ang papel ni Dan, ang best friend at confidante ni Liezl, ang ambisyosang broker na pinagbibidahan ni Quinn .

Maliban kay Quinn, tampok din sa cast sina Rob Guinto, Emilio Garcia, Paolo Rivero, AJ Oteyza, Massimo Scofield, Mark Dionisio, Calvin Reyes at marami pang iba. JP Ignacio