Kita ng turismo sa bansa lumobo na sa P130.6B – DOT

Kita ng turismo sa bansa lumobo na sa P130.6B – DOT

December 16, 2022 @ 12:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumobo sa P130 bilyon ang kita sa turismo sa bansa kasabay ng paglobo ng mga tourist arrivals sa 2.39 milyon.

Ito ang iniulat ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco nitong Huwebes, Disyembre 15 kung saan malaking tulong umano ang pagluluwag sa travel restrictions.

Hanggang nitong Nobyembre 16, umakyat sa USD2.34 bilyon o P130.59 bilyon ang kita ng turismo ng bansa dahil dito.

Sa mga dayuhang turista na umabot sa 2,397,919 hanggang nitong Disyembre 15, pinakamalaki dito ay mula sa United States sa 44,7278, sinundan ng South Korea sa 374,097, Australia sa 118,228, Canada na may 109,041 visitors at United Kingdom na may 90,196.

“The projections of the Department of Tourism were that we would have arrivals pegged at 1.7 million only by the end of this year. Because of the changes that have been instituted, as well as the direction of our president to prioritize tourism, we’ve seen that we now have visitor arrivals of close to 2.4 million, far exceeding projection,” ani Frasco sa panayam.

Bagama’t malayo pa ang nabanggit na bilang sa pre-pandemic levels, tiwala naman ang DOT na dadami pa ang mga bibisita sa bansa.

“Our goal is no longer to go back to pre-pandemic levels as far as international arrivals, but really to exceed it simply because of the quality of our destinations in the Philippines that far exceed many across the globe, and also because of the distinct warmth and hospitality of the Filipino people that is unique all over the world,” aniya.

Sa 2023, target ng DOT na magkaroon ng tatlo hanggang apat na milyong tourist arrivals sa bansa.

“Of our international arrivals, a little over 75 percent are foreign arrivals. This means that the tourism industry, in terms of international arrivals, is well on its way. Our goal now is to further that growth by inviting our fellow Filipinos to help us in the task of increasing these tourist arrivals, having in mind the necessity for sustainable tourism in our destinations, which we’re doing closely with our local governments.” RNT/JGC