Kita sa ‘Maid in Malacanang’ ibibili ni Imee ng nutribun

Kita sa ‘Maid in Malacanang’ ibibili ni Imee ng nutribun

October 14, 2022 @ 4:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tututukan ng opisina ni Senador Imee Marcos ang pagbibigay ng nutribun ngayong nakuha na niya ang bayad mula sa kanilang pelikulang “Maid in Malacanang”.

“Dahil kumita ‘yung sine, nabayaran na kami, magfu-full blast na kami sa nutribun. Talagang ‘yung legacy project of the nutribun,” ani Marcos sa Pandesal Forum nitong Biyernes, Oktubre 14.

“‘Yung food inflation has been horrific and as we know it hits the poor much harder than anyone else because 60 percent of their monthly spend go to food,” pagdidiin ng Senadora.

Matatandaan mula pa noong naluklok sa pwesto si Imee ay isinusulong na niya ang pagbuhay sa nutribun na programa ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“There are certain areas where we know the malnutrition rates are very very high… We’ll be distributing, ‘yung tututukan natin is yung first 1,000 days, 3 years old and under and mga buntis, dun ‘yung brain stunting, di na nag-de-delveop ‘yung utak ng bata. Kawawa naman,” aniya.

Paglilinaw din ni Marcos, hindi katulad ng nutribun na ipinamigay noong 1970 mula sa United States Agency for International Development (USAID), magiging locally sourced ang nutribun ngayon na ipapamahagi sa mga bata. RNT/JGC