Kita sa oil taxes, gamitin sa oil spill cleanup! – Recto

Kita sa oil taxes, gamitin sa oil spill cleanup! – Recto

March 15, 2023 @ 6:51 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dapat gamitin sa nagpapatuloy na oil spill recovery sa Mindoro ang kita ng pamahalaan sa buwis sa mga produktong petrolyo, partikular na ang tulong sa mga residenteng apektado nito.

Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto nitong Miyerkules, Marso 15, sinabi niya na nasa P1 bilyon ang oil tax collections sa isang araw pa lamang na sapat na para sa “abatement and alleviation measures” sa mga lugar na pininsala ng oil spill.

Nauna nang sinabi ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor na nakaapekto na sa mahigit 99,000 indibidwal o 19,900 pamilya ang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng langis.

“Ang katas ng buwis ng langis dapat gamitin panglinis ng tagas sa lumubog na barko,” ani Recto.

“This is gently reminding government of its huge revenues from oil and fuel products to goad it to spending more for the containment of the oil spill. The point here is, whatever you are spending is just a mere drop in the barrel of oil tax collections,” dagdag pa niya.

Iginiit din ni Recto na kung ang buwis ay nagmumula sa langis, dapat lamang na gamitin ito upang tugunan ang sitwasyon na idinulot din naman nito.

“Nature, when it is under threat, as in the case of the oil spill, is entitled to tax dividends,” aniya.

“The argument was that it is paid to compensate for damages to health and the environment. That was how previous administrations framed their justification for higher oil taxes,” sinabi pa ni Recto.

Inilahad din ng senador ang datos mula sa Congressional Policy and Budget Research Department, think tank ng House of Representatives, na nagpapakitang nakakolekta ang
Bureau of Customs ng P372 billion sa duties at taxes sa crude oil (P138.9 billion) at petroleum products (P233.5 billion) noong 2021.

Maliban pa rito ay nasa P7.4 bilyon na koleksyon sa excise tax mula sa petroleum products ang naitala ng Bureau of Internal Revenue sa kaparehong taon. RNT/JGC