Kitkat, kakasuhan si Janno!

Kitkat, kakasuhan si Janno!

February 23, 2021 @ 8:25 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanganganib idemanda ng komedyanteng si Kitkat ang kanyang co-host sa “Happy Time” na si Janno Gibbs dahil umano sa pagmumura nito sa kanya.

 

Ang “Happy Time” ay mapapanood sa Net25 kung saan host din si Anjo Yllana.

Nag-ugat ang insidente sa taping nito kamakailan. Segment host ng Kantanungan si Kitkat, magkalaban naman sa team si Janno at panauhing si Marco Sison.

 

Nakaungos si Marco na ikinagalit umano ni Janno. Pinagmumura nito si Kitkat with matching panduduro. 

 

‘Di pa raw nakuntento’y inihagis pa raw ni Janno ang tangang mikropono sabay walk out.

 

Gayunpaman, itinuloy pa rin daw ni Kitkat ang segment hanggang sa matapos.

Marami umano ang naksaksi sa studio ng inasal ni Janno.

 

Pagkatapos nito’y nag-post na ng mga cryptic posts si Kitkat tungkol sa salitang “respeto.”

 

Hindi rin nagpahuli si Janno na nag-post din ng tungkol sa pagiging mapanghusga ng ibang tao gayong hindi nila nakikita ang kanilang kamalian.

 

Kinokonsulta na raw ni Kitkat ang kanyang abogado ukol sa kasong maaaring isampa laban kay Janno. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •