Kitkat, may pasabog sa Kapuso!



Kitkat, may pasabog sa Kapuso!

June 10, 2021 @ 6:22 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – For the first time makaraan ng kinasangkutang isyu kay Janno Gibbs ay sasalang ang TV host-comedienne na si Kitkat sa isang tell-all challenge sa pamamagitan ng pagsagot sa mga itatanong sa Sarap ‘Di Ba?

Joining her on the hot seat ay ang kanyang supportive husband.

Pero nakikinita na namin na wala na sa war path si Kitkat, humupa na kasi ang tensyon sa kanila ni Janno who, in fact, has expressed his willingness to work with her.

Patikim lang bale ang challenge na ‘yon as your favorite Saturday morning program shows the other side of Kitkat na maalaga sa kanyang mga lovable pets as though she conceived and gave birth to them.

May pasilip din si Kitkat sa kanyang Japanese resto businress sa Cubao where she gets to prepare yummy Japanese treats.

And speaking of food, panauhin din si Chef JR Royol na may ihahandang farm to table recipe.

Wait, there’s more dahil may sorpresang matatanggap ang Kapuso actor na si Gil Cuerva and his brother mula sa pamilya Legaspi.

Kung ano’ng sorpresa ‘yon, “pasiklab” ni Chef JR, Kitkat’s bonding moments with her furry animals, alamin sa Sarap ‘Di Ba? ngayong Sabado! Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •