Kitkat, proud sa pagiging retokada!

Kitkat, proud sa pagiging retokada!

June 1, 2021 @ 5:19 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Keber kay Kitkat kung sabihin man ng kanyang mga bashers na retokada siya.

Sa katunayan, proud pa niyang ipangalandakan na sumailalim siya sa syensiya.

Saadi ng komedyana, “Itong boobs ko, dalawang beses ‘yon. Saka ‘yung ilong ko, pinagawa ko rin ‘yan.”

Ang pinakahuli raw ay ‘yung chin at lip fillers, kung saan may itinuturok na substance para ma-enhance ang look nito.

Sa pamamagitan daw nito’y naghugis bigas ang kanyang mukha.

“Dati silicone lang, ngayon nag-level up na, may Go-Rex,” aniya.

Nagtataka nga raw siya kapag may mga artistang nagdedenay na nagparetoke sila o nilalait siya dahil isa siyang retokada, “Sa isip-isip ko, ‘Bakit, saan ka ba galing?!'”

Dagdag niya, kanya-kanyang opinyon lang ang usapin sa pagpaparetoke. In short, she has never been this happy dahil makikita naman ang malaking iginanda ng kanyang hitsura kumpara noon.

‘Ika nga, to each his own. Ronnie Carrasco III