Klase sa 22 paaralan suspendido pa rin sa pag-alburoto ng Taal – DepEd

Klase sa 22 paaralan suspendido pa rin sa pag-alburoto ng Taal – DepEd

April 5, 2022 @ 11:12 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Education (DepEd) na nananatiling suspendido ang klase sa 22 paaralan sa Agoncillo at Laurel sa Batangas sa gitna ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Batay sa datos mula sa DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), walong (8) paaralan sa Permanent and Extended Danger Zones (PDZ), ang direktang naaapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Dahil dito, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Agoncillo at Laurel ang suspensyong ng klase sa 22 paaralan.

Base sa rapid assessment na isinagawa ng DepEd Quick Response and Recovery Team (QRRT) hanggang nitong Linggo, makikita sa partial data ang kabuuang 1,275 mag-aaral at 132 personnel na lumikas sa designated evacuation centers (ECs).

Samantala, siniguro naman ng DepEd ang kaligtasan ng libong mag-aaral na apektado ng pag-alburoto ng bulkan.

“Ating babantayan ang mga learners na magiging safe sila,” pagsisiguro ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones said.

“Pero may eskuwelahan o wala, talagang di na yan pwede na magkaroon tayo ng klase doon at activities ng mga bata,” dagdag ni Briones. RNT/SA