Klase sa Adamson University suspendido sa sunog sa kalapit na residential area

Klase sa Adamson University suspendido sa sunog sa kalapit na residential area

November 15, 2022 @ 1:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Natupok ng apoy ang isang residential area ngayong umaga sa Ermita, Manila.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) partikular na nilamon ng apoy ang dalawang palapag na bahay sa Teresa St. Brgy. 661.

Isa ang kumpirmadong patay sa nasabing sunog. Kinilala ang biktima na si Imelda Memoria, 70.

Nagsimula ang sunog alas-10:09 ng umaga at inabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire out bandang alas-10:57 ng umaga.

Inaalam pa rin ng BFP ang sanhi ng sunog habang patuloy itong iniimbestigahan.

Pansamantala namang naglabasan ang mga estudyante at faculty ng Adamson University na katabi lamang ng nasunog na kabahayan dahil sa makapal na usok.

Hindi naman na nadamay pa ang kalapit na bahay maging ang nabanggit na unibersidad.

Inaaalam na ang dahilan ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok.

Nagdeklara naman ng suspensyon ng klase ang Adamson University para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Jocelyn Tabangcura-Domenden