Klase sa ilang syudad sa C. Visayas kinansela vs COVID-19

Klase sa ilang syudad sa C. Visayas kinansela vs COVID-19

January 19, 2022 @ 8:04 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Education sa Central Visayas na sinunspinde ng ilang mga syudad sa rehiyon ang klase dahil sa tumataas na COVID-19 cases.

Kabilang dito ang Cebu City, Talisay City, at Carcar City sa Cebu. Ang Bais City sa Negros Oriental ay humirit din ng health break.

Tatagal naman ang academic break sa mga syudad base sa sumusunod:

Cebu City – Enero 17 hanggang 30

Talisay City – Enero 19 hanggang 28

Carcar City – Enero 24 hanggang 31

Bais City – Enero 16 hanggang 31

Sinabi ni DepEd Region 7 director Salustiano Jimenez na ang mga alkalde at mga  division superintendent ay nakipag-ugnayan sa kanila ukol sa suspensyon.

“If the suspension is not more than two weeks but still within the allowable required number of school days in a school year, it is fine. But if it goes beyond, the division shall prepare a scheme to either extend the year-end or makeup classes,” ani Jimenez.

Isiniwalat din ni Jimenez na tatlong guro, limang non-teaching personnel, at isang estudyante ang may COVID-19 sa rehiyon.

Matatandaang inanunsyo ng DepEd na pinapayagan nila ang localized class suspensions sa gitna ng COVID-19 surge. RNT