Klase, trabaho sa Bulacan kanselado na bukas

Klase, trabaho sa Bulacan kanselado na bukas

September 25, 2022 @ 4:03 PM 2 months ago


BULACAN – Pinasuspinde na ni Governor Daniel Fernando ang klase bukas, Setyembre 26 sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, pamantasan at trabaho sa pampublikong tanggapan sa lalawigang ito na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 5 dulot ng Super Typhoon Karding.

Ayon sa report, ang pagsuspinde ay batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council para makapaghanda ang mamamayan at makaiwas sa anumang panganib.

Nalamang ipinaubaya naman sa mga pribadong sektor ang desisyon sa pagsususpinde.

Pinaghanda na rin ang pulisya, sandatahang lakas, bumbero at iba pa sa lalawiagan bilang paghahanda sa inaasahang negatibong epekto gaya ng baha sa pagdaan ng naturang bagyo.

Kaugnay nito, may impormasyong nagsagawa ng preemptive water release ang Bustos Dam habang nasa 100.68 meters ang lebel ng tubig sa Ipo Dam at 177.24 meters sa Angat Dam.

Sinusulat ito bandang 2:18 ng hapon nitong Linggo, Setyembre 25, base sa text message ng NDRRMC, signal no. 5 na sa Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan na inaasahang makakaranas ng malakas na hangin sa loob ng 12 oras.

Mariing pinag- iingat ng kinauukulan ang publiko sa pagbayo ng Super Typhonn Karding sa mga naturang lugar. Dick Mirasol III