Klasipikasyon ng PH COVID variant lalo pang binabaan ng WHO

Klasipikasyon ng PH COVID variant lalo pang binabaan ng WHO

July 13, 2021 @ 2:42 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Lalo pang binabaan ng World Health Organization ang klasipikasyon ng COVID-19 variant na una nang nadiskubre sa Pilipinas.

Ayon sa WHI mula sa variant of interest ay inilagay na lang ito sa “alert for further monitoring.”

“The reason for this is its reported detection has decreased over time,” ayon kay National Institutes of Health executive director Dr. Eva Maria Cutiongco-de la Paz.

Ani Dela Paz na nasa 269 P.3 sequences sa 14 bansa lang ang naitala. 166 na kaso lang ang naitala sa Pilipinas.

Pinangalanan ng WHO ang P.3 variant bilang Theta variant.

“There have only been sporadic detections or small clusters of cases that have been reported globally, justifying its classification,” paliwanag ng eksperto.

Sa kabila nito, ibinabala ng WHO na ang mga COVID variants ay maari pa ring magbago ng klasipikasyon. RNT