Knee surgery ni Obiena, matagumpay
January 12, 2022 @ 10:09 AM
7 months ago
Views:
419
Rico Navarro2022-01-12T10:02:54+08:00
MANILA, Philippines – Matagumpay ang ginawang operasyon sa tuhod ni Pole vaulter EJ Obiena sa Germany.
Ayon sa kanyang legal na tagapagsalita na si Bobbet Bruce, ang 26-anyos na Olympian ay sumailalim sa operasyon upang ayusin ang maliit na meniscus tear sa kanyang kaliwang tuhod na hindi alam ni Obiena kung saan o kailan niya natamo.
“Minor injury lang. Small meniscal tear. Isinailalim siya sa arthroscopic surgery sa Southwest German Center for Sports Traumatology sa Uhingen, Baden Wurttemberg, Germany,” ani Bruce.
“Dr. Dimitr-Alexander Jontschew, isang kinikilalang espesyalista sa orthopedic surgery at medikal na direktor ng pasilidad na kinikilala ng International Society of Arthroscopy, Knee Surgery at Orthopedic Sports Medicine, ang nagsagawa ng operasyon ni Obiena.”
Ayon kay Bruce, maaari talagang magsanay at makipagkumpitensya si Obiena sa kabila ng injury ngunit mas minabuti nilang magpaopera muna ito upang maiwasan ang mga komplikasyon sa hinaharap.
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez na aprubado na ang budget para sa medical procedure ni Obiena.
“Kailangan ni Obiena ng tulong para sa kanyang medical procedure. Inaprubahan namin ang halaga para sa kanyang operasyon. Ang kanyang incentive ay pina-finalize ng NSA affairs,” ani Ramirez.
Ang operasyon ni Obiena ay ginawa ilang linggo bago ang kanyang nakaplanong paglahok sa Init Indoor Meeting sa Karlsruhe, Germany sa Enero 28. Rico Navarro
August 11, 2022 @7:10 PM
Views:
4
SEOUL, South Korea – Nagpositibo sa COVID-19 ang sikat na Korean singer na si BoA.
Ito ang kinumpirma mismo ng aktres kung saan sa kasalukuyan ay nagpapagaling ito at nag self-quarantine matapos na tamaan ng nakahahawang sakit.
Sa kabila nito, hindi naman inaasahang maaapektuhan ang kanyang upcoming appearance sa dance survival program ng Mnet na “Street Man Fighter” na magsisimula sa Agosto 23.
Maliban sa matagal pa naman ang naturang schedule, sapat rin umano ang footage ni BoA para rito. RNT/JGC
August 11, 2022 @7:00 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Huwebes ang suporta para sa rekomendasyon na pagpapatupad ng signal jamming sa mga preso sa gitna ng umano’y drug operations sa loob ng kanilang pasilidad.
Sa public briefing, sinabi ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda na mapipigilan ng signal jamming ang komunikasyon ng persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang mga contact sa labas.
“That’s a welcome development as far as the BJMP is concerned,” aniya.
“Importante yan kasi kung yan din yung isa sa mga makatutulong talaga para ma-prevent natin yung possible communications with the PDLs and possibly yung kanilang mga contact sa labas, napakagandang ideya nun. We fully support it,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Solda na umaasa sila na gagawing prayoridad ng pamahalaan ang panukala dahil kinakailangan ng proyekto ng pondo.
“Ang second step nito, of course, ‘yung funding requirements niyan so we do hope sana mabigyan po ng priority ito ng national government,” sabi ni Solda.
Inirekomenda ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules ang paggamit ng signal jammers upang putulin ang komunikasyon ng drug lords na umano’y nagsasagawa ng operasyon sa mga kulungan.
Samantala, inihayag ni Solda na 262 sa 477 BJMP jails sa buong bansa ang idineklarang drug-free habang 40 ang idineklarang drug-cleared.
“Drug cleared jails are those that were previously classified as drug-affected jail but after being subjected to drug-clearing operations, it was declared drug-free,” paliwanag niya.
“A drug free jail is a facility that has no drug personalities, no drug users, and no illegal drugs after conduct of search and seizure operations sa jail for three consecutive months ng PDEA,” patuloy ni Solda.
Sinabi rin ni Abalos na nais niyang magsagawa ng testing para sa posibleng nakahahawang mga sakit bago ikulong ang mga preso dahil sa mabilis n pagkalat ng sakit sa congested areas.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang siyam na active COVID-19 cases sa PDLs sa BJMP jails, base kay Solda.
Sinabi rin ni Solda na 334 sa 477 BJMP jails ang masikip. Aniya, sinisikap ng BJMP na tugunan ang congestion sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong gusali at pagsasaayos ng mga pasilidad.
Nagbibigay din ang BJMP ng legal support services sa mga preso upang pabilisin ang kanilang mga kaso at isinusulong ang disiplina sa mga PDL upang magkaroon sila ng mas maraming good conduct time allowance (GCTA) para sa mabilis na pagpapalaya. RNT/SA
August 11, 2022 @6:46 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes na balak nitong buksan ang 100 bus, jeepney, at UV Express routes sa Metro Manila upang dagdagan ang public transportation supply bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng face-to-face classes sa buwang ito.
“Yes, more than 100 routes that we will open next week, before the opening of classes on August 22. We will issue the memorandum circular on this new routes or modified routes as you will call it to address the need for more buses ang vehicles for the face-to-face classes,” ani LTFRB chairman Cheloy Garafil matapos ang ikalawang hearing ng ahensya sa petisyon para sa fare hike sa public utility buses.
“The routes are comprised of buses, jeepneys, and UV Express,” dagdag niya.
Sinabi ng LTFRB chief na ang ahensya, alinsunod sa utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ay magbubukas ng modified routes sa mga lugar na may maraming paaralan kagaya ng University Belt sa Manila dahil nangangailangan ng mas maraming public transportation para sa mga estudyante na magbabalik-eskwela.
Para naman sa mga jeep at UV Express, sinabi niyang “all non-EDSA routes will be reopened.”
Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) noong Hulyo na muli nitong bubuksan ang mga ruta para sa city buses sa Metro Manila kasabay ng muling pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Samantala, magtatalaga naman ang MMDA ng 2,238 personnel sa kahabaan ng major roads at sa high-density schools sa Metro Manila kung saan 581 traffic enforcers ang ipakakalat sa 148 paaralan sa National Capital Region (NCR). RNT/SA
August 11, 2022 @6:41 PM
Views:
23
MANILA, Philippines- Agad na binawian ng buhay ang isang rider matapos na masalpok ng nasa likurang mIxer truck at magulungan pa kahapon sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ang biktima na si Henry Sumigao Guianan, nasa hustong gulang, residente ng De Gloria EXT., Area B, Batasan Hills, Q.C.
Agad namang dinakip ang driver ng Sany Mixer truck na may conduction sticker number N1 U945, na si Daniel Calimquim.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang alas-5:28 ng hapon (August 10), nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Elliptical road sa kanto ng Commonwealth Ave,. Brgy. Old Capitol Site, Q.C.
Sa imbestigasyon ni PSSG Jaime Samson ng Traffic Sector 3, kapwa binabaybay ng biktima sakay ng Honda wave Motorcycle na may plakang 1366-0340455 at ng driver ng Mixer Truck ang kahabaan ng Elliptical road galing sa Kalayaan Ave., patungong Commonwealth Ave., sa lungsod.
Pero pagsapit sa nasabing lugar ay nasalpok ng Mixer Truck ang likuran ng motorsiklo ng biktima dahilan upang bumagsak ito sa semento.
Sa kasamaang palad ay hindi agad naipreno ng driver ang minamanehong mixer truck at nagulungan pa ang rider sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.
Nakapiit na ang driver ng mixer truck at inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property with homicide sa piskalya ng lungsod. Jan Sinocruz
August 11, 2022 @6:32 PM
Views:
19
MANILA, Philippines- Nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport ang tatlong pakete ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P14.7 milyon ngayong araw.
Sa ulat ng Port of NAIA, isang outbound parcel sa DHL Warehouse ang naglalaman ng 300 gramo ng methamphetamine hydrochloride (HCL), na kilala sa tawag na shabu, na nakatago sa loob ng wall sticker.
Habang nasa dalawa pang papasok na parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ang naglalaman ng Ecstasy na nakatago naman sa loob ng mga karton at bed sheet.
Ang palabas na kargamento ay idineklara na palamuti sa bahay (wall sticker) at sumailalim sa X-ray, na kalaunan ay nagpakita ng mga puting kristal na sangkap. Kalaunan ay napatunayang shabu ito na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P2.04 milyon.
Idineklarang “women’s and baby wear gift” ang ikalawang shipment na papasok sa CMEC, ngunit nabuking ito na Ecstasy na nagkakahalaga ng P8.9 milyon. Ang huling shipment, na hindi idineklara, ay nakumpirma rin na mayroong Ecstasy, na nagkakahalaga ng P3.8 milyon.
Ayon sa Port of NAIA, patuloy ang imbestigasyon para arestuhin ang nasa likod ng illegal trade dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act (RA) 9165, o Comprehensive Drug Act at RA 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). JAY Reyes