kNOW!edge | Inagurasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III

kNOW!edge | Inagurasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III

June 30, 2020 @ 8:40 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naganap ang inagurasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III bilang ika-15 na Pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 30, 2010 sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Inihalal siya sa unang automated polls ng bansa noong Mayo 10, 2010.

Sa mandato ng 1987 Constitution, inagurasyunan ang bagong pangulo noong tanghali ng Hunyo 30. Noong mga nakaraan, may iba’t ibang petsa ang itinakda para sa panunumpa ng bagong pangulo.

Ilan sa mga dating Pangulo na nanumpa rin sa posisyon sa araw na ito ay sina Pangulong Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...