kNOW!edge | Inilunsad ang Old Bilibid Prison sa Maynila

kNOW!edge | Inilunsad ang Old Bilibid Prison sa Maynila

June 25, 2020 @ 7:41 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hunyo 25, 1865 nang ilunsad ang Old Bilibid Prison, ang unang national penitentiary sa bansa, sa Maynila sa ilalim ng Spanish royal decree. Nahati ito sa dalawang bahagi, ang “carcel” section kung saan mayroong 600 inmates, at “presidio” kung saan 527 naman ang nakapiit doon.

Nasa pitong dekada na ang nakalilipas, dahil sa tumataas na populasyon at crime rate, isinabatas ang Commonwealth Act No. 67 at itinayo ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, Rizal noong 1936 na may budget na P1 milyon at inisyal na land area na 551 hektarya.

Inilipat noong 1940 ang mga kagamitan at pasilidad ng dating kulungan sa NBP.

Ginagamit bilang detention center ng Maynila ang dating pasilidad, na kilala ngayon bilang Manila City Jail. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...