kNOW!edge | Ipinroklamang kabisera ng Spanish colonial administration ang Maynila

kNOW!edge | Ipinroklamang kabisera ng Spanish colonial administration ang Maynila

June 24, 2020 @ 8:02 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hunyo 24, 1571 nang iproklama bilang kabisera ng Spanish colonial administration ang Maynila.

Nauna nito sa Cebu, nang marinig ni Spanish colonizer Miguel Lopez de Legazpi, ang mayamang pinagkukunan sa Maynila, pinadala nito ang dalawa sa kanyang lieutenant-commanders na sina Martín de Goiti at Juan de Salcedo, na tuklasin ang northern region.

Mayo 8, 1570 nang dumating ito sa Maynila, kung saan sila tinanggap ng mga mamamayan at bumuo ng alyansa kasama si Rajah Sulayman. Subalit, nakatunog ang mga ito sa tunay na pakay ng mga Espanyol at nagkaroon na nga ng laban sa pagitan ng dalawang panig. Dahil maraming armas ang mga banyaga, nasakop nila ang Maynila.

Nang malamang nasakop na ang lungsod, pinuntahan ni Legazpi si Goiti sa Maynila. Bumuo ito ng peace pact kasama ang native councils, maging sina Rajah Sulayman at Rajah Lakandula.

Nang magkaroon na ng permanenteng pag-aayos noong Hunyo 24, 1571, iniutos ni Legazpi ang pagtatayo ng walled city na Intramuros. Ipinroklama niya ang Maynila bilang kabisera at permanent seat ng Spanish colonial government.

Naging replika ng European medieval city ang Maynila. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...