kNOW!edge | Sumuko ang mga nalalabing Pulajanes kay Gobernador Curry

kNOW!edge | Sumuko ang mga nalalabing Pulajanes kay Gobernador Curry

March 24, 2020 @ 7:08 PM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Alam mo bang sa petsang ito, Marso 24, taong 1906, natanggap ng Gobernador ng Samar na si George Curry ang pagsuko ng mga nalalabing Pulajanes sa isla ng Samar? Sinasabing nasa 100 na Pulajanes ang humarap sa gobernador kasama ang 14 na baril.

 

Ngunit bago pa maganap ang pagsuko, sumenyas ang lider ng mga Pulajanes na si Nasario Aguilar, dahilan upang maglabas ng itak ang iba habang nagpaputok naman ang iba pa.

 

Kabilang sa partido ni Curry na sina Judge Lominger at district school inspector ang tumakas sa iisang direksyon habang lumangoy naman sa ilog si Curry upang takasan ang nagaganap na laban.

 

Nasawi ang 16 na constabulary, marami ang nasugatan at nawawala. Ilang nga baril din ang hindi na mahanap sa mga Pulajanes.

 

30 oras nawala si Governor Curry at kalaunan ay natagpuan sa isang road camp.

 

Nasawi ang 30 katao sa bahagi ng Pulajanes.

 

Sa kanyang ulat, sinabi ni Curry ang sumusunod:

 

“Had a hard fight in which Captain Jones of the constabulary lost half of his command, but gained a magnificent victory in the face of overwhelming odds. The Pulajanes, under a flag of truce, and while promising to surrender immediately opened fire, charging the constabulary. The leader of the Pulajanes first ordered his men to wipe out the constabulary and then to capture the Governor and the other Americans.”

 

Nauna nang nag-apply para sa leave of absence ang bagong talagang gobernador ng isla ng Samar na si George Curry, ngunit binawi nito kanyang aplikasyon upang tapusin ang pacification nito. Remate News Team/MM/Ulat mula sa Kahimyang.com


  •  
  •  
  •  

Loading...