kNOW!edge | Tumama ang M7.8 lindol malapit sa Cabanatuan, Nueva Ecija

kNOW!edge | Tumama ang M7.8 lindol malapit sa Cabanatuan, Nueva Ecija

July 16, 2020 @ 7:58 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tumama ang isang magnitude 7.8 na lindol na may epicenter na matatagpuan sa 10 kilometro timog-silangan ng Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Hulyo 16, 1990, bandang 4:26 ng hapon.

Tumagal ito ng 45 segundo kung saan higit 1,600 katao ang nasawi at daan-daan ang sugatan.

Idineklara ang state of calamity sa mga lungsod ng Cabanatuan, Baguio, Dagupan, San Carlos, Palayan at San Jose at sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Benguet at Pangasinan.

Isolated ang Baguio City sa loob ng ilang araw makaraang magcollapse ang mga pangunahing kalsada ng mountain resort, kung saan na-trap ang libo-libong katao kabilang ang mga local and foreign tourists. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...