Kobe Paras binitiwan ng Albirex BB

Kobe Paras binitiwan ng Albirex BB

May 29, 2022 @ 2:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na ni-renew ng Niigata Albirex ang kontrata ni Filipino standout Kobe Paras kaya ito ay isa ng free agent sa Japan Professional Basketball League (B.League).

Sa inilabas na statement ng Niigata, nag-expire na ang kontrata ni Para sa kanilang koponan.

“Sa Niigata Albirex BB, ikinalulugod naming ipaalam sa iyo na ang kontrata kay Kobe Paras ay nag-expire na at iaanunsyo sa listahan ng manlalaro ng libreng negosasyon ng B.LEAGUE nitong  Mayo 27 (Biyernes),” ang isinalin na bersyon ng binasa ang pahayag nito.

Si Paras ay sumali sa Niigata noong Setyembre 2021 bilang bahagi ng Asian Player quota.

Sa 49 na laro na kanyang nilaro, nag-average si Paras ng 8.2 points, 2.1 rebounds, at 1.2 assists kada laro.

Sa pagtatapos ng regular season, ang Niigata ay nasa huli sa 22 koponan na may pitong panalo at 45 talo.JC