Kobe Paras, maglalaro para sa UP Fighting Maroons

Kobe Paras, maglalaro para sa UP Fighting Maroons

July 11, 2018 @ 1:51 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa kasagsagan ng pagre-recruit ng University of the Philippines (UP), inanunsiyo ni Gilas Pilipinas cadet Kobe Paras na siya ay magiging bahagi na ng Fighting Maroons.

Kinumpirma ito ni UP head coach Bo Perasol kanina (July 11).

Opisyal na makapaglalaro si Paras para sa UP simula sa Season 82, matapos ang one-year residency period. Siya ay sasama sa line-up ng Maroons kasama si Gilas Pilipinas cadet Ricci Rivero na nag-anunsiyo naman ng pagsali sa Maroons noong May.

Susundan ni Paras ang yapak ng kaniyang ama na si Benjie Paras na siyang nanguna sa Fighting Maroons sa kanilang huling UAAP championship noong 1986 kung saan siya naging unang rookie-MVP sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association.

Sa statement, ipinahayag ni Paras ang kaniyang excitement hindi lang sa paglalaro para sa Maroons kundi pati na sa tyansa na makapag-aral ng kolehiyo sa UP.

“The University of the Philippines is the most respected educational institution in the country. The attraction of UP is not just its basketball program, which just gets better each year, but the world-class education it is known for,” sabi ni Paras.

Sinabi rin ni Paras na tatlong buwan na niyang pinag-iisipan ang offer ng UP at sinabi pang ang desisyon niya ay mula sa kaniyang sarili matapos isaalang-alang ang iba’t ibang pagpipipilian at offers na ibinigay sa kaniya.

Ang kaniyang desiyon ay base raw sa “what could contribute to me becoming better in my chosen field and at the sport I love,” sabi pa ni Paras.

“I look forward to the challenge of helping make the Fighting Maroons a better basketball team, and the challenge of helping myself become a better student,” dagdag pa niya.

Sinalubong naman ni Perasol ang bagong miyembro ng Maroons at sinabing “Talent is talent, and we are fortunate to have a talent like Kobe on board.”

Sa kabilang dako, hindi naman makakasama si Paras sa UP papuntang Serbia ngayong buwan kung saan ang Fighting Maroons ay inaasahang rarampa sa kanilang preparasyon para sa upcoming UAAP season. (Remate News Team)