Kokoy de Santos, game makipagrelasyon sa beki!

Kokoy de Santos, game makipagrelasyon sa beki!

July 11, 2021 @ 3:10 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nang mag-guest si Kokoy de Santos sa show namin na Showbiz Cafe sa Kumu ay tinanong namin siya kung sa totoong buhay ba ay pwede siyang makipagrelasyon sa isang bading. Sa BL series kasi na ginawa niya na Gameboy ay karelasyon niya rito si Elijah Canlas.

Ang sagot niya ay hindi niya isinasara ang pinto. Hindi na siya nag-elaborate pa.

So, base sa naging sagot ni Kokoy, puwede siyang pumatol sa isang bading, ‘di ba?

At least, nagpakatotoo lang siya at hindi siya naging plastik na sabihin na hindi siya papatol sa member ng third sex.

Tinanong din namin siya kung may mga bading na nagpaparamdam sa kanya since gwapo siya. Ang sagot niya ay wala. Ang mga natatanggap niya lang daw na pagpaparamdam ay mula sa mga bading ay sinasabihan siya na magaling siya sa mga roles na ginagawa niya.

Pero base sa naging sagot ni Kokoy na hindi niya sinasara ang pinto, na puwede siyang makipagrelasyon sa isang bading, maging hudyat o dahilan na kaya ito para may bading na magparamdam o manligaw sa kanya?

At may indescent proposal na kaya siyang natanggap mula sa mga bading?

May kilala kaming bading na aktor na type na type si Kokoy. Kapag nakarating sa kanya ang naging pahayag nito, ligawan niya kaya si Kokoy? Rommel Placente