Koleksyon ng BOC ngayong Enero, lampas ng halos P7B

Koleksyon ng BOC ngayong Enero, lampas ng halos P7B

January 31, 2023 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Bureau of Customs (BOC) na nalampasan nito ang revenue collection target para sa buwang ito.

Base sa preliminary report na ipinalabas nitong Lunes ng gabi, nakakolekta ng  BOC ng P65.801 bilyon mula Jan. 1 hanggang 27.

Mas mataas ng 11.9 porsyento o P6.98 bilyon ang initial collection para sa taong ito.

Inihayag ng BOC na ang target revenue collection para sa buwang ito ay P58.822 bilyon.

Mas mataas din ang nakolektang halaga ng 13.1 porsyento, o P7.627 bilyon, kumpara sa P58.174 bilyong koleksyon sa parehong period noong 2022.RNT/SA