Kolektor ng basura binaril patay!

Kolektor ng basura binaril patay!

August 3, 2020 @ 7:09 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patay ang isang kolektor ng basura nang pagbabarilin ng mga di kilalang suspek, Lunes ng  madaling araw sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang  biktimang si Rafael Abuc, 49, garbage collector  ng  Block 9, Baseco Compound, Port Area dahil sa tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ni  PMSg Jansen San Pedro, ng Manila Police District (MPD)- homicide section, dakong alas-3:00  ng madaling araw nang naganap ang insidente sa a Block 9 Extension, Baseco Compound, sa Port Area.

Nabatid sa mga residente sa lugar na mahimbing silang natutulog nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang alamin kung saan ang pinagmulan nito ay nakita na lamang umano nila ang nakahandusay na bangkay ng biktima kaya kaagad na inireport ito sa pulisya.

Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...