Kolera kumakalat naman sa Bacolod

Kolera kumakalat naman sa Bacolod

September 20, 2022 @ 12:31 PM 2 weeks ago


BACOLOD CITY- Nakaalerto ngayon ang City Health Office (CHO) dahil sa ilang kaso ng cholera sa lungsod nitong nakaraan Linggo.

Ayon kay Dr. Grace Tan, hepe ng CHO Environment Sanitation Division, inalerto niya ang publiko hinggil sa kanilang pagkain at tubig na kinukunsomo matapos kumpirmahin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng kolera sa lungsod.

Base sa huling datos ng CHO, simula Setyembre 16, inabot na ng 5-araw na naka-confine sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang 37-anyos na babaeng pasyente dahil sa matinding dehydration.

Sa Iloilo City, nagdeklara ng ‘state of calamity’ sagil sa mataas na kaso ng cholera na nagdudulot ng impeksyon at pagtatae dahil sa pag-inom ng maruming tubig o pagkain.

Sinabi ni Tan, bago pa man lumala ang kaso ng Cholera sa lungsod ay tinutukan na nila ito katuwang Department of Health at patuloy ang kanilang ginagawang water sampling.

“We are taking into consideration of clustering of cases in a particular area/barangay,” dagdag pa nito.

Nagsasagawa na rin ang CHO ng rekomendasyon sa panghihikayat sa pagpapatupad ng mga sanitation inspection.

Nagpaalala rin ang CHO sa mga residente na siguraduhing malinis at ligtas ang ginagamit na tubig inumin man o ginagamit sa pagluluto.

Dagdagp pa ni Tan, na kumuha ng tubig inumin sa mga water refilling station na may updated na bacteriological monitoring ng kanilang tubig at mga permit at siguraduhin na ang mga tubo ng tubig o hose mula sa PrimeWater ay walang mga butas o benda dahil maaaring tumagos ang kontaminasyon.

Maging ang bawat bahay ay kailangan may mga sariling palikuran para mapanatiling malinis ang kapaligiran.

Paulit-ulit rin na pinapaalala ng CHO sa mga residente na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig bago at pagkatapos kumain, paghahanda ng pagkain, at pag-aalaga sa mga may sakit; pagkatapos gumamit ng palikuran, maghugas o maglinis ng mga sanggol at matatanda at mga alagang hayop; pagkatapos ng pag-ubo at pagbahing; at bago pakainin ang sanggol.

“Know your food sources. Avoid eating raw meat, sea foods, and vegetables contaminated with night soil and human wastes. Wash thoroughly and cook well. Keep or maintain your food hot or cold and keep it covered,” ani pa ng CHO./Mary Anne Sapico