Komedyante, ibinugaw si aktor sa matrona!

Komedyante, ibinugaw si aktor sa matrona!

November 22, 2020 @ 3:15 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Higit pa sa working relationship ang namamagitan sa isang senior comedian at isang mas batang aktor. Minsan na silang nagkasama sa isang lingguhang sitcom ilang taon na ang nakalipas.

Kilalang babaero ang senior comedian pero lipas na ang mga panahong ito. Mas gugustuhin na lang niyang isoga ang mas batang aktor sa mga may-kayang babae.

Once ay kinontak ng senior actor ang younger colleague para i-book sa isang mayamang babae sa halagang Php 100,000.

Walang ibang gagawin ang mas batang aktor kundi eskortahan lang ang babae na magnininang sa kasal. Pang-display lang, ‘ika nga, masabing may showbiz connections ito.

Sumipot ang aktor sa takdang araw. Walang kahirap-hirap na kumita siya ng isandaang libong piso.

Sinundan ‘yon ng muling pagbu-book sa kanya ng kung tawagin niya’y kuya. Another Php100,000 na naman ‘yon sa simpleng pagpunta lang ng aktor sa condo unit ng may-edad nang babae.

Clean fun lang ‘yon na sinunggaban uli ng aktor.

Ilang araw ang nakalipas, ang aktor na ang siyang nangungulit kay ‘kuya’ kung kailan ang susunod niyang booking.

This time around ay tumataginting na Php250,000 na ang alok na talent fee samahan lang niya ang may-edad nang babae na sumakay sa chopper na lilibot sa himpapawid.

Nagkataong may show ng araw na yon ang aktor pero nagawan pa rin niya ito ng paraan. Sumulpot siya sa opening segment ng show pagkatapos ay hindi na lumabas hanggang matapos. Ronnie Carrasco III 


  •  
  •  
  •  

Loading...