Komentaryo ni Percy Lapid sa mga nakalipas na buwan, binubusisi ng PNP

Komentaryo ni Percy Lapid sa mga nakalipas na buwan, binubusisi ng PNP

October 11, 2022 @ 4:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nire-review ng mga awtoridad ang mga komentaryo ng pinatay na mamamahayag na siPercy Lapid sa mga nakalipas na buwan bago siya paslangin bilang bahagi ng imbestigasyon, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. nitong Martes.

“We have been also studying ‘yung mga commentary niya in several months po and we’re continuing backtracking po,” pahayag ni Azurin.

Inihayag ni Azurin na hiniling ng pamailya ni Lapid sa mga pulis na hindi lamang ang mga pumaslang kay Percy ang hulihin, maging ang nag-utos nito.

Patay si Lapid, host ng online broadcast program na “Percy Lapid Fire” sa DWBL 1242 at kolumnista para sa Hataw, nang barilin ng dalawang lalaki habang pauwi sa kanyang bahay sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City, on October 3.

Inilabas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes ang kumpirmadong larawan ng person of interest sa pagpatay.

Umabot na sa P6.5 milyon ang pabuya kapalit ng impormasyon sa person of interest, ayon sa NCRPO. RNT/SA