Komite binuo ng Senado, tututok sa P9.28B secret, intel funds

Komite binuo ng Senado, tututok sa P9.28B secret, intel funds

November 21, 2022 @ 7:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Lumikha ang Senado ng isang oversight committee na tututok sa paggastos ng panukalang P9.28 bilyong confidential at intelligence funds (CIFs) na nakatakda sa 2023 national budget.

Sa naganap na plenaryo, isinagawa ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos aprubahan ng Senado ang kanyang Senate Proposed Resolution No. 302.

Pamumunuan ni Zubiri ang oversight panel kabilang sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senate finance committee chairman Sonny Angara, Senator Ronald dela Rosa, at Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Zubiri na kailangan ang paglikha ng oversight committee sa CIFs na naging tradisyon ng Senado simula noong 10th Congress.

Aniya, kailangan ang CIFs bilang “essential” upang mabigyan ng kapangyarihan ang pamahalaan na magsagawa ng kaukulang programa, operasyon at aktibididad para sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan partikular ngayon na nahaharap sa kakakibang mga bagong pagsubok.

“So in these times, we need to be more trusting of our government agencies. As agencies at the forefront of these problems, like child sexual abuse and pornography, illegal drugs, and terrorism, they would know what appropriate programs, activities, and projects to undertake,” aniya.

Sinabi ni Zubiri na responsibilidad ng Senado na maging mapagmatyag kung paano gagamitin ang pondong ito dahil hindi dumadaan ang naturang gastusin sa regular na pagsusuri ng Commission on Audit katulad ng ibang budgetary items.

“The Senate will exercise the full extent of our oversight function: We will monitor the use of these funds; we will go over the reports relevant to each agencies’ use of funds; and we will conduct hearings if necessary,” aniya.

Samantala, ikinagalak naman ni Pimentel ang paglikha ng lupon pero dapat tanggihan ang pagbibigay ng lump sum funds kaysa ilaan sa mas magandang programa.

“I welcome this development in the Senate but as stated by our Senate president, we have done this before. So let’s continue the good practice but then there is even a better practice which is discourage the allocation of lump sums especially in the form of CIFs in the national budget,” aniya.

“After we have tried our best to trim down the grant of CIF and also to discourage the grant of CIF, in my mind, this becomes a second level of defense in the name of the people and for the people, in the name of transparency,” dagdag niya.

Kabilang sa mayroong CIF ang Office of the President (P4.5 billion), Office of the Vice President (P500 million), Department of Education (P150 million), at Department of the Interior and Local Government (P100.6 million). Ernie Reyes