Komite para sa nuclear energy binuo ng Kamara

Komite para sa nuclear energy binuo ng Kamara

August 10, 2022 @ 10:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isang Special Committee on Nuclear Energy ang binuo ng House of Representatives na syang mangangasiwa sa produksyon, utilization, conservation ng nuclear energy at magdedevelop ng  nuclear power infrastructure.

Ayon kay Ilocos Norte at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos sa pamamagitan ng bagong House Nuclear Energy panel ay mas lalong mapagtututunan ng pansin ang hangarin ng bansa na palakasin ang nuclear energy bilang reliable, cost-competitive at environment-friendly energy source.

“This to ensure energy security consistent with the national interest and state’s policy of freedom from nuclear weapons,” paliwanag ni Marcos.

Si Pangasinan Rep Mark Cojuangco ang syang itinalagang Chairman ng nasabing komite.

Sa panig ni Cojuangco sinabi nito na ang pagpapalakas sa nuclear energy ng bansa ang syang susi para magkaroon ng mura, ligtas at maasahang supply ng kuryente.

“Naalipin ang tao ng mahal, kulang at di maasahang kuryente na madumi at mapangwasak sa ating kalikasan. Walang ibang paraan sa paglikha ng ganitong klaseng kuryente na mura, malinis at nanatiling reliable kung hindi nuclear energy,” giit ni Cojuangco.

Sinabi ni Cojuangco na ang komite ay pangangasiwaan ang public information drive ukol sa paggamit ng nuclear power at magpapanukala ng mga batas para sa pagtatag ng nuclear power plants. Gail Mendoza