Kompensasyon sa Marawi survivors, aprub na sa Senado

Kompensasyon sa Marawi survivors, aprub na sa Senado

February 1, 2022 @ 8:11 AM 8 months ago


Manila, Philippines — Ipinasa na ng Senado sa huling pagbasa ang panukalang maglalaan ng kompensasyon sa mga napinsala sa ari-arian dulot ng Marawi siege noong 2017.

Kalakip ng Senate Bill No. 2420 o ang proposed Marawi Siege Victims Compensation Act na may 23 affirmative vote na i-facilitate ang tax-free payment ng sa mga napinsala ng Marawi siege.

Maaalalang noong Setyembre 2021, inaprubahan ng Kamara ang kanilang sariling bersyon.
Sakop naman ng naturang kompensasyon ang “qualified claimants” na nawalan ng residential at commercial properties dahil sa naganap na gulo sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at mga terorista sa Marawi City.

Nakasaad din sa panukala ang ‘replacement cost’ sa mga private property na nawasak at nadawit sa gulo. RNT/FGDC