3 arestado sa buy bust sa Valenzuela, P149K shabu nasamsam

August 14, 2022 @5:05 PM
Views:
69
MANILA, Philippines – NASABAT sa tatlong hinihinalang drug personalities ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.
Kinilala ni PLT Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek bilang sina Manuel Cardenas Jr, 49 ng M H Del Pilar St., Mabolo, Israel Pangan, 49 at Harry Bhong Maroto, 29, welder, kapwa ng Brgy. Arkong Bato.
Sa ulat na isinumite ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela Police chief Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-2:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Aguirre ng buy bust operation sa Buko St., Brgy. Balangkas kung saan nagawang makipagtransaksyon ni PSSG Arvin Lirag na umakto bilang poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu kay Cardenas.
Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu kay Cardenas ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba at inaresto ang suspek, kasama si Pangan at Maroto na nakuhanan din ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Narekober sa mga suspek ang pitong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 22 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P149,600, marked money, P700 recovered money, 3 cellphones at coin pouch.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(R.A Marquez)
Rider byaheng-langit sa concrete barrier

August 14, 2022 @4:51 PM
Views:
78
(Photo contributed by Joshua Abiad)
MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang rider matapos na sumalpok ang minamanehonhg motorsiķlo sa concrete barrier nang mawalan ng kontrol sa manibela kaninang umaga sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ang namatay na si Mark Manlangit, 32 anyos, residente ng Bagong Silang Caloocan City.
Ayon kay District Traffic Sector 5 ng QCPD Investigator PCpl Jess Domigan, dakong 6:10 ng umaga (August 14) nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa harap ng Commission on Audit (COA) Barangay Batasan Hills Q.C
Lumalabas na sakay ng Suzuki smash motorcycle na may plate number 170NQP si Manlagot at binabaybay nito ang nasabing kalsada nang mawalan ng kontrol at sumalpok sa sementong barrier
Sa lakas ng impak ay tumilapon ang biktima kung saan nagtamo ito ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan na sanhi ng kamatayan nito.
Kasalukuyan naman pinapaalam ng pulisya sa pamilya ang sinapit ni Manlagit. Jan Sinocruz
Pedophile lumagok ng lason nang ideklarang guilty ng jury

August 14, 2022 @4:38 PM
Views:
82
TEXAS, USA – Nagpakamatay agad sa pamamagitan ng pag-inom ng lason ang isang pedophile habang sinesentsyahan siyang nagkasala sa krimeng pedopilia o pang-aabusong sekswal sa mga menor-de-edad.
Nakilala ang pedophile na si Edward Leclair, 57, ng Denton, Texas at akusado ng limang beses na pang-aabusong sekwal.
Namatay ito ilang minuto lang makaraan nitong lagukin ang isang bote na naglalaman ng malabong likido sa lamesa ng kanyang sariling abogado habang gumagawa ng desisyong guilty laban sa kanya ng jury.
Binawian ito ng buhay sa holding area nito na kanyang pinuntahan makaraang uminom ng lason.
Nakalalaya sa bisa ng piyansa si Laclair at dumalo sa araw ng paghuhukom sa kanyang kaso at minabuti nitong magpakamatay na lamang sa halip na makulong.
May danyos na $10,000 o P500,000 ang nagkasala sa pedopilya habang may kulong na 99 taon para sa tuloy-tuloy na pakikipagsex ng 17 anyos sa may edad na 16 pababa, babae man o lalaki. RNT/FC
Saranggola gamit na sa paglikha ng kuryente

August 14, 2022 @4:25 PM
Views:
76
NORWAY – Ginagamit na ang saranggola sa paglikha ng kuryente sa bansang ito.
May isa nang nagawang saranggola na anyong eroplano ngunit lumilipad gaya ng helikopter na nakatali sa ibabaw ng bahay at umiikot lamang dito.
Nalilikha ang kuryente mula sa umiikot na cylinder na roon nakatali ang saranggola.
Kailangang maabot ng saranggola ang taas na may malakas na hangin para sa paglikha ng sapat na kuryente.
Kaya ng saranggola na hatiran ng sapat na suplay ng kuryente ang dalawang bahay.
Gumagawa na ang mga imbentor, gaya ni Thomas Harklau, ng kompanyang Kitemill, ng mas malaking saranggola na kayang magsuplay ng kuryente sa 70 tahanan. RNT/FC
Higit P400K tobats nasabat sa 9 durugista sa Rizal

August 14, 2022 @4:11 PM
Views:
69