KOMUNISTANG-TERORISTA SA SITWASYON NG MGA TINAMAAN NI ODETTE 

KOMUNISTANG-TERORISTA SA SITWASYON NG MGA TINAMAAN NI ODETTE 

January 26, 2022 @ 9:04 AM 8 months ago


NAOBLIGA ang Department of Interior and Local Government na magdagdag-pwersa ng kapulisan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette upang masiguro ang kaligtasan ng mga “responder” dahil sa mga pag-atake at pagsasamantala sa sitwasyon ng mga komunistang-terorista.

Mismong si DILG Undersecretary Jonathan Malaya ang nag-announce nito sa unang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sa 2022 nitong January 10, 2022 kung saan sinabi ng opisyal na ang mga pag-atake ng New People’s Army sa gitna ng super typhoon Odette ay hindi na katanggap-tanggap.

“Lesson learned from this ay mag-deploy tayo ng dagdag pang kapulisan para maprotektahan naman natin ang mga taga local government unit. We will do what we can to ensure their safety,” pahayag ni Malaya.

Dagdag pa niya sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan na tulungan ang mga nasalanta ay mayroon pa tayong “mga kababayang ‘di alintanang pumatay ng mga sundalo at mga sibilyan”, bago at habang rumaragasa ang super typhoon na Odette.

“’Di na katanggap-tanggap ang kanilang walang-awang pagpaslang, mga walang pusong komunistang-teroristang sa ating mga kababayang binayo ng bagyo at apektado ng kalamidad,” ang sabi pa ni Malaya.

Subalit, hindi raw matitigil ng mga ganitong pangyayari ang pagmamalasakit ng ating pamahalaan sa pagtulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo upang makabangon silang muli.

“Makaaasa po ang ating mga kababayan, na hindi titigil ang ating pamahalaan sa mga bayan na ngayon ay nasa disaster recovery and rehabilitation phase na mula sa typhoon Odette,” dagdag pa ni Malaya.

Mariin din na kinukondena ng DILG ang matinding pagwawalang-bahala sa halaga ng buhay ng tao ang mga gawaing ito ng mga komunistang-terorista. Pagpapakita ito ng kanilang maling paniniwala. Ang mga pulis at ating militar (kahit armado noon) ay hindi nasa lugar na iyon upang gumanap ng combat role. Sila ay nandun para sa disaster evacuation, paliwanag pa ni Malaya.

“Hindi mawawala ang pagmamalasakit ng ating pamahalaan sa ating mga kababayan under pandemic man o bagyo,” aniya pa.

Malaki umano ang kaibahan ng gustong ipakita ng CPP-NPA-NDF kumpara sa ginagawa ng pamahalaan para sa mga nasalanta ng mga kalamidad.

“Hindi tayo titigil hanggang sa huling araw ni Pangulong Duterte na pabagsakin ang mga teroristang-komunista,” ang huling bitaw ni Malaya.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!