Kondisyon ng human rights sa Pinas, bumuti sa ilalim ng kasalukuyang admin – EU

Kondisyon ng human rights sa Pinas, bumuti sa ilalim ng kasalukuyang admin – EU

February 25, 2023 @ 12:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng delegasyon ng European legislators na “mas mabuti” ang human rights situation sa Pilipinas sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kumpara sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“It is better than it was under President Duterte, I think that we can clearly state. We clearly had the impression that everyone was very willing to discuss human rights issue with us which has not been the case under the previous administration,” ayon kay Hannah Neumann, vice president ng  European Parliament (EP) Subcommittee on Human Rights sa isang press conference, araw ng Biyernes.

Nagsalita si Neumann sa Makati  sa huling araw ng pagbisita sa Maynila ng delegasyon kung saan nakapulong nila ang mga opisyal ng gobyerno at stakeholders para talakayin ang  developments sa human rights.

Sa isang kalatas,  ikinatuwa ng delegasyon ang commitment  ng administrasyong Marcos na makapagpartisipa sa  human rights kasama ang international community, kabilang na ang  UN mechanisms.

Inamin ni Neumann na nahikayat sila sa pamamagitan ng “promising first steps and announcements in this regard,” partikular na sa loob ng  framework ng  Universal Periodic Review.

“We also clearly note favorably the President’s commitment to change the focus of the so-called war on drug away from a punitive and deadly approach towards more prevention and rehabilitation, and welcomed the commitment not to reintroduce the death penalty,” ang wika ni Neumann.

Samantala, tinuran naman ng delegasyon na sila’y  “made aware of continuing extra judicial killings” at binigyang diin ang kahalagahan ng pag-iimbestiga sa nasabing kaso.

“We further want to underline that the EU would be very happy to see the Philippines rejoining the Rome Statute of the International Criminal Court (ICC) – to which all member states of the EU are signatories because it would reinforce the government’s stated commitment to fighting impunity,” ayon kay Neumann.

Naniniwala naman si Neumann na ang payagan ang ICC na pumasok sa bansa ay makapag-aambag sa imbestigasyon ng mahigit na  6,000 naiulat na namatay sa nagdaang kampanya laban sa ilegal na droga ng duterte administration.

“If there are 6,000 cases and the government is sincere with building accountability and investigating these, this means 6,000 cases need to be filed, witnesses have to be found, evidence need to be collected— 6,000 cases. And we’re are now, nine months into the new administration, 25 cases are being filed, three people are being sentenced,” ani Neumann.

Aniya pa, ang  EU ay “very willing” to extend assistance and technical expertise, noting that properly probing over 6,000 cases “will take basically forever” base sa kasalukyang trajectory.

“For us, asking the ICC to come in is the perfect way to do it,” ayon kay Neumann.

“These are 6,000 people who lost their lives, and they deserve that this is being properly investigated. And I think this is the discussion that we should have all together,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose