Kondisyon ni Biden maayos na matapos masapul ng COVID

Kondisyon ni Biden maayos na matapos masapul ng COVID

July 23, 2022 @ 9:15 AM 2 weeks ago


WASHINGTON- Bumuti na ang mga sintomas ni  President Joe Bidenat normal na rin ang kanyang key vital signs kabilang ang blood pressure, ayon sa White House physician said Friday a day after thenitong Biyernes isang araw matapos magpositibo ang 79-anyos na US leader sa COVID-19.

“His symptoms have improved,” sadd sa memorandum ni doctor Kevin O’Connor sa White House press secretary.

Bagama’t nakararanas pa rin si Biden ng sibon, ubo at  fatigue, ang kanyang pulse, blood pressure, respiratory rate at oxygen saturation “remain entirely normal,” base kay O’Connor.

Bahagyang tumaas ang kanyang temperatura nitong Huwebes ng gabi sa 99.4 degrees Fahrenheit (37.4 Celsius), ginamot na si Biden ng acetaminophen at sa kasalukuyan ay nananatili nang normal ang kanyang temperatura.

“The president is tolerating treatment well,” kabilang na ang antiviral pill Paxlovid, na nagbabawas sa lala ng COVID-19.

Binigyang-diin ng White House na ang pinakamatandang nahalal na presidente ng bansa ay fully vaccinated at dalawang beses naturukan ng booster at inaasahang magiging maganda ang tugon sa treatment.

“There has been nothing in the course of his illness thus far which gives me cause to alter that initial expectation,” ani O’Connor.

Patuloy ang isolation ni Biden alinsunod sa panuntunan ng US Centers for Disease Control and Prevention, at ang kanyang medical team ay patuloy na magbabantay sa kanyang kalagayan. RNT/SA