Kondisyon ni Bimby, ibinuking, mataas ang cholesterol!

Kondisyon ni Bimby, ibinuking, mataas ang cholesterol!

November 29, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


Los Angeles, USA – Binigyang-pugay ni Kris Aquino ang kanyang amang si Ninoy who would have turned 90 nitong November 27.

Nagbalik-tanaw si Kris sa laging sinasabi noon ng inang si dating Pangulong Cory na siya ang female version ng pinaslang na ama.

Mahaba at insightful ang post ni Kris sa kanyang social media account as she honored her late dad.

Maiksi man daw ang panahong pinagsamahan nila’y punumpuno naman ‘yon ng mga magagandang alaala.

May tanong lang si Kris sa ama: bakit daw pati ang cardiovascular problems nito’y namana niya?

Good news, sa mga tests run on her ay negatibo si Kris sa anumang uri ng cancer.

Ang autoimmune disease niya ang siyang nagpapahirap sa kanya.

Naiulat na namin dito sa Remate Online na extended ang pananatili ni Kris sa Amerika for further treatment of her ailment.

Ito ang dahilan kung kaya’t imposible siyang makauwi, contrary to some reports.

Binanggit din ni Kris sa birthday tribute para sa ama ang kundisyon ni Bimby.

Si Bimby ay anak ni Kris sa dating asawang si James Yap.

Ani Kris, kinse anyos pa lang si Bimby ay meron na raw itong high cholesterol issues.

Hindi raw ito tulad ng kuya niyang si Joshua na maayos ang blood panel.

Joshua is Kris’ eldest son by Phillip Salvador at sinasabing paborito ng kanyang Lola Cory at tiyuhing si Noynoy.

Anyway, marami ang nagsasabing effective ang gamutan ni Kris sa Los Angeles, her next stop pagkatapos magpagamot sa Houston, Texas. Ronnie Carrasco III