‘Koneksyon’ ng paglindol sa Davao de Oro sa volcanic activity, sinisilip ng Phivolcs

‘Koneksyon’ ng paglindol sa Davao de Oro sa volcanic activity, sinisilip ng Phivolcs

March 14, 2023 @ 10:26 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nagtalaga ang ng team ng mga eksperto mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Davao de Oro at kalapit na lugar nito upang suriin ang serye ng paglindol sa lalawigan sa mga nakalipas na araw.

Sa post sa official social media page nitong Lunes, sinabi ng Phivolcs na magsasagawa ang Volcano Team ng information dissemination at mangongolekta ng water samples mula sa Leonard Kniaseff Volcano—isang stratovolcano sa pagitan ng munisipalidad ng Maco at Mabini sa Davao de Oro.

Ikakasa ito upang matukoy kung may kaugnayan ang paglindol sa Davao de Oro sa volcanic activity.

Kabilang sa serye ng mga paglindol ang 5.9-magnitude earthquake na tumama dakong alas-2:02 ng hapon na sinundan ng 5.6-magnitude tremor pagsapit ng alas-4:47 ng hapon noong Marso 7.

Naitala ang parehong lindol mula sa New Bataan, Davao de Oro.

Tumama rina ng mas mababaw na pagyanig sa parehong lugar ilang oras bago maitala ng Phivolcs ang moderate quakes noong March 6– isang 4.9-magnitude at 5.3-magnitude tna naganap dakong alas-12:49 at alas-4:43 ng madaling araw.

Sinabi ng Phivolcs na nakapagtala ng 1,385 lindol na may magnitude mula 1.5 hanggang 5.9 hanggang nitong March 11.

Binanggit din nito na 32 sa mga ito ang naramdaman.

Inisyal na sinabi ng Phivolcs na ang paglindol ay “series of events”, na nangangahulangang nagdudulot ang adjacent active faults ng sunod-sunod na paglindol na may parehong magnitude.

Idinagdag nito na isa ang Davao de Oro sa seismically active regions sa bansa dahil sa presensya ng active faults kabilang ang East Compostela Valley, West Compostela Valley, Central Compostela Valley, Nabunturan, Caraga River,at Mati Segments ng Philippine Fault at ang Central Mindanao Fault. RNT/SA