Kongreso, NHCP dapat may ‘say’ sa palit-disenyo ng pera – Binay

Kongreso, NHCP dapat may ‘say’ sa palit-disenyo ng pera – Binay

December 13, 2021 @ 10:26 AM 10 months ago


MANILA, Philippines — Pinabibigyang-karapatan ni Senator Nancy Binay ang Kongreso at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na magdesisyon sa pagpapalit ng disenyo ng barya at pera sa Pilipinas.

Ang komento ni Binay ay kasunod ng mga natanggap na kritisismo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nang palitan ng Philippine eagle sa P1,000 bill ang mga national hero.

“Maybe the design of money should not be decided by BSP alone. Even changes in names of schools and roads need to have congressional imprimatur. Why must the BSP be exempted?” ani Binay.

“Redesigning our money should have the concurrence of Congress and the NHCP because it has relevance and implications in history, and there’s a higher purpose to what image or content should be printed on notes and coins,” dagdag pa niya.

“The heroes were removed for the eagle? Sadly, it is like saying that our martyrs and heroes are no longer worth our money,” dagdag pa ng senador.

Nauna nang inianusyo ng BSP ang bagong disenyo ng polymer 1,000-peso bills na ipalalabas na sa Abril 2022.

“The BSP did not only erase our heroes in the P1,000 bill, it has also diminished Philippine history by focusing on plants and animals. Literally, our heroes lost their role,” ani Binay.

“It’s sad that Josefa Llanes-Escoda, Jose Abad Santos, and Gen. Vicente Lim have become the first casualties of retail revisionism and hero delegitimation. For some strange reason, BSP is slowly silencing memories of heroism and acts of patriotism,” aniya pa.

Bilang polisiya panlaban sa mga namemeke ng pera, regular na nagsasagawa ang BSP ng pagpapalit-disenyo. RNT