Zamboanga City – Bulagta ang bagong halal na konsehal sa Barangay Santa Catalina, Zamboanga City makaraang pagbabarilin hindi kalayuan sa kanyang bahay.
Nabatid mula kay Police Chief Inspector Shelamae Tubo-Chang, ang tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, patungo sana ng feeding program ng barangay ang biktimang si Michael Magallanes, 38-anyos, nang barilin dakong alas-7:30 ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay bagamat naisugod pa sa ospital si Magallanes.
Si Magallanes ay nagsilbing ingat-yaman ng barangay noong 2013 at matapos ang Zamboanga siege.
Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa pagpaslang sa konsehal na sinasabing wala namang naging kaaway at maituturing na malinis ang pagsisilbi nito. (Jeff Gallos)