Konsehal na nang-torture ng PWD, kinasuhan na

Konsehal na nang-torture ng PWD, kinasuhan na

July 9, 2021 @ 7:21 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinasuhan na ang dalawang suspek, kabilang ang isang konsehal, sa umano’y pangto-torture na nagresulta ng pagkamatay ng isang lalaking may mental disability sa Coron, Palawan.

Kinilala ang mga suspek na sina Councilor Paul John Abe at Jules Mayo na inireklamo ng paglabag sa Anti-Torture law.

“They are not trying to escape and they will face the allegation against them,” saad ni Police Captain Ervin Plando, Chief of Police ng Coron, Palawan.

Ayon sa pulisya, lumabas sa medico-legal examination na dumanas ng matinding hirap ang 23-anyos na si Carlo Layaog, na inakusahan ng pagnanakaw ng mga kable ng kuryente sa Barangay 3.

“The victim had laceration on parietal (head) area, multiple hematoma on upper and lower extremities, abrasions in upper chest and right wrist, his right wrist seemed to have been sawed [off], and he had traumatic brain injury. He had a head injury coming from a blatant force,” ani Plando.

Ayon naman kay DILG undersecretary Martin Diño, kakasuhan din ang mga suspek ng Grave Abuse of Authority at Physical Injury.

Kinondena rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidente at sinabing nagsasagawa na rin sila imbestigasyon ukol sa kaso. RNT